Another proud Pinoy moment ang naganap matapos magwagi sa tinaguriang “Oscars for the Internet” ang Filipino-Canadian vlogger at digital creator na si Mikey Bustos.
Natanggap ni Bustos ang Best Editing at Best Series Awards mula sa 30th Webby Awards 2026 na ginanap sa New York City.
Sa kanyang social media post, nagpasalamat si Bustos sa International Academy of Digital Arts and Sciences, na siyang presenter ng Webby Awards.
Giit niya, isang karangalan ang makilala sa naturang awards show matapos ang ilang taon ng pagsisikap bilang digital creator.
ADVERTISEMENT
Unang nakilala si Mikey Bustos para sa kanyang comedy content tungkol sa kulturang Pinoy at ngayon naman ay kinikilala para sa kanyang ant-keeping channel na AntsCanada.

