Nasawi ang isang indibidwal at pinaghahanap pa rin ang dalawang senior citizen na natabunan umano sa gumuhong landfill sa Davao City noong Miyerkules.
Bandang ala-una ng hapon naganap ang trash slide sa sanitary landfill sa Barangay New Carmen.
Narekober ang bangkay ng 30-anyos na lalaki na natabunan habang tinitipon ang kanilang mga biik sa lugar.
Ayon sa awtoridad, posibleng nagdulot ng paglambot ng lupa sa landfill ang sunod-sunod na pag-ulan.
ADVERTISEMENT
Ayon naman sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), may nauna nang ulat ng paglabag sa environmental at safety standards ang landfill bago pa ang naganap na trash slide.
Babala ni Environment Secretary Juan Miguel Cuna, maaaring masuspinde ang landfill at magbabalik-operasyon lamang kung maidedeklarang ligtas ng ahensya.

