Dedepende ang International Criminal Court (ICC) prosecutors sa mga ebidensya mula sa 60 hanggang 70 witnesses sa paglilitis kay former president Rodrigo Duterte — 20 hanggang 30 dito ay personal na tetestigo sa korte.
Sa mga isinumite sa ICC Trial Chamber III, aabutin ng higit walong araw ang examination sa mga witness, habang 13,284 items pa ang mga ebidensyang isasailalim sa review.
Batay sa prosekusyon, makukumpleto ang lahat ng requirements at deliverables sa September 30, 2026; sisimulan naman ang proposed trial sa November 30 ngayong taon.
Dahil dito, may dalawang buwan ang panig ng mga biktima at ni Duterte para makapaghanda sa pagdinig, ngunit argumento ng defense, siguraduhin munang fit to stand trial ang dating pangulo.
ADVERTISEMENT
Nais din nitong makuha ang kopya ng witness list, na tinutulan ng mga abogado ng mga biktima dahil matagal na umano silang nagpaparaya sa nais ng defense.
Ipinag-utos ng Trial Chamber III ang pagsusumite ng kani-kanilang observations bago ang unang status conference sa May 27, araw na pag-uusapan na ang schedules, procedures, at iba pa. (Denniel Salayo/News Light)

