News LightLatest News

Department of Agriculture, nagbabala sa rice retailers na lumalabag sa P50 price cap

Nagsagawa ng biglaang inspeksyon ang Department of Agriculture (DA) sa Paco Public Market sa Maynila kaugnay ng ipinatutupad na ₱50 kada kilong price cap sa imported rice.

Giselle Crazo · · 2 min read

Nagsagawa ng biglaang inspeksyon ang Department of Agriculture (DA) sa Paco Public Market sa Maynila kaugnay ng ipinatutupad na ₱50 kada kilong price cap sa imported rice.

Pinangunahan ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang operasyon kasama ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Department of Trade and Industry (DTI).

Sa inspeksyon, nadiskubreng may mga rice retailer na nagbebenta pa rin ng imported rice sa halagang ₱60 kada kilo, higit na mas mataas sa itinakdang price cap ng gobyerno.

Agad pinatanggal ni Tiu Laurel ang mga price signage at binalaan ang mga tindahan na sumunod sa batas. Ayon sa kalihim, maaari nang isyuhan ng notice of violation, kasuhan, o ipasara ang tindahan sa susunod na mahuling lumalabag, kabilang na ang pagpataw ng multang umaabot sa isang milyong piso at pagkakakulong ng hanggang sampung taon.

Depensa naman ng ilang retailer, mahal nila nabili ang kanilang lumang stock kaya malulugi sila kung susundin ang ₱50 na price cap.

ADVERTISEMENT

Bilang solusyon, inalok ng DA ang mga negosyante na isauli ang mahal na stock sa supplier o kumuha ng mas murang bigas mula sa mga kaagapay ng ahensya para maibenta sa ₱48 kada kilo.

Matatandaang nagsimula ang price cap noong May 14 at mananatili hanggang June 12 habang patuloy na mina-monitor ng gobyerno ang epekto nito sa presyo ng bigas.

What do you feel about this article?