PoliticsLatest News

Sen. Marcoleta at Sen. Cayetano, kinokonsiderang mamuno sa Blue Ribbon Committee — SP Cayetano

Ang posisyon ay nabakante matapos ang pagbabago sa pamunuan ng Senado noong nakaraang linggo.

Newslight · · 1 min read

Ibinahagi ni Senate President Alan Peter Cayetano na kinokonsidera niya sina Senador Rodante Marcoleta at ang kaniyang kapatid na si Senador Pia Cayetano na mamuno bilang Senate Blue Ribbon chairperson.

Ang posisyon ay nabakante matapos ang pagbabago sa pamunuan ng Senado noong nakaraang linggo.

Matatandaan na si Senador Ping Lacson ang huling naglingkod bilang chairperson ng nasabing komite.

Kilala ang Blue Ribbon Committee sa pangunguna nito sa mga pagdinig at imbestigasyon kaugnay ng mga umano’y iregularidad at anomalya sa loob ng pamahalaan. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?