Good NewsLatest News

Pinoy educator sa UK, tumanggap ng MBE Medal mula kay Prince William

Natanggap na ni Pinoy educator at United Kingdom headteacher Edison David ang Member of the Order of the British Empire (MBE) medal mula kay King Charles III.

Carlene Latuna · · 1 min read

Natanggap na ni Pinoy educator at United Kingdom headteacher Edison David ang Member of the Order of the British Empire (MBE) medal mula kay King Charles III.

Sa ngalan ni King Charles, ibinigay ni Prince William ang medalya kay David sa Windsor Castle noong nakaraang linggo.

Noong Disyembre, inanunsyo na makatatanggap si Edison ng pagkilala para sa kanyang ambag sa sektor ng edukasyon ng British society.

Mula sa pagiging dating public school teacher sa Tarlac, naging executive headteacher ng dalawang primary school sa London at Ofsted lead inspector si David.

ADVERTISEMENT

Ayon kay David, naisasalamin ng parangal ang kolektibong pagsisikap ng mga paaralan, kasamahan, mag-aaral, at komunidad na nakasama niya sa kanyang career.

Ang MBE ay ang third-highest ranking order ng British Empire at ibinibigay sa mga indibidwal na nagpakita ng husay at serbisyo sa kanilang komunidad at nagdala ng makabuluhang ambag dito.

What do you feel about this article?