Good NewsLatest News

“Meet Me in the Valley” short film ng Christian singer na si Tasha Layton, mapapanood na

Sa loob ng 30-minute film, si Tasha ay mag-isang nanatili sa Death Valley, California, upang magdasal, magnilay, at mas mapalapit sa Diyos.

Newslight · · 1 min read

Opisyal nang inilabas ng Christian singer and songwriter na si Tasha Layton ang bagong short film na “Meet Me in the Valley”.

Sa loob ng 30-minute film, si Tasha ay mag-isang nanatili sa Death Valley, California, upang magdasal, magnilay, at mas mapalapit sa Diyos.

Ginamit niya ang malawak, mainit, at tuyong national park sa Amerika bilang simbolo na kung saan mahirap ang sitwasyon at hindi komportable, doon mas malakas ang presensya ng Panginoon.

Inspirasyon sa pelikula ang kanyang worship song na may parehong title na “Meet Me in the Valley.”

ADVERTISEMENT

Layunin ng pelikula na magbigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga taong daraan sa matitinding hamon. Mapapanood ang short film nang libre sa kanyang official YouTube channel.

Si Tasha Layton ay isang contemporary Christian singer, songwriter, at author. Bago siya naging solo artist sa industriya ng Christian music, nakilala muna siya bilang contestant sa sikat na reality show na American Idol Season 9. (Benedict Quejado/News Light)

What do you feel about this article?