PoliticsLatest News

Petisyon ni Bato laban sa kooperasyon ng bansa sa ICC, ipinababasura ng OSG

Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court na ibasura ang petisyon ni Senador Bato dela Rosa na kuwestiyunin ang pakikipagtulungan ng gobyerno sa International Criminal Court…

Newslight · · 1 min read

Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court na ibasura ang petisyon ni Senador Bato dela Rosa na kuwestiyunin ang pakikipagtulungan ng gobyerno sa International Criminal Court (ICC).

Iginiit ng OSG na maaaring ipatupad ng pamahalaan ang ICC arrest warrant alinsunod sa batas at sa international obligations ng bansa.

Ayon pa sa kanila, hindi rin umano maaaring humingi ng proteksyon sa korte ang isang taong umiiwas sa posibleng pag-aresto.

Dagdag pa ng SolGen, hindi dapat gamitin ang batas bilang kalasag para makaiwas sa pananagutan.

ADVERTISEMENT

Samantala, binigyang-diin din nito ang hustisya para sa mga biktima na hindi nabigyan ng pagkakataong makapagsalita sa korte.

Ayon sa SolGen, “History will know” ang naging kawalan ng hustisya sa mga nasawi. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?