Bumida muli ang talas ng isip ng mga kabataang Pinoy matapos umani ng parangal sa science and engineering competition sa Amerika.
Pinarangalan ang mga young researchers ng Angeles City Science High School sa Regeneron International Science and Engineering Fair (ISEF) 2026 sa Phoenix, Arizona.
Nag-uwi ng Excellence in Energy and Environmental Stewardship Award at 2nd Grand Award in the Energy: Sustainable and Material Designs category ang team na kinabibilangan nina Asher John Garciak, Pierre Phoella Ilagan, at Nathan Andrew Canilao.
Nagpaabot ng pagbati ang pamahalaan ng Angeles City hindi lamang sa mga mag-aaral kundi maging sa kanilang mga magulang, mentors, at paaralan.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Angeles LGU, sinasalamin ng pagkilala ang suporta ng mga guro, magulang, at komunidad para sa mga kabataan ng Angeles City.
Congratulations sa mga kabataang nagwagi, and we are proud of you!

