“To delay the trial is to delay justice.”
Iyan ang pahayag ng pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at Lipa Archbishop Most Reverend Gilbert Garcera, na suportado ng mga obispo, pari, at mga miyembro ng Caritas Philippines Social Action Network hinggil sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Nais ng grupo na tuluyan nang gumulong ang paglilitis sa bise presidente na humaharap sa isyu ng katiwalian.
Ganiyan din ang pahayag ng Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC) na panawagan ngayon ang walang kinikilingang imbestigasyon hindi lamang sa bise presidente kundi pati sa iba pang opisyal na may isyu ng korapsyon, sila man ay kaalyado o hindi.
ADVERTISEMENT
Binigyang-diin din ng PCEC na mahalagang maibalik ang perang ninakaw sa kaban ng bayan.
Nagkaisa ang mga Christian groups na kailangan ng sama-samang panalangin para sa makatarungang paglilitis.

