Nakasungkit ng gintong medalya sa ginanap na Karate One-Youth League sina Francis Erl Jud Abundo at Kathleya Elaine Bustamante.
Ginanap ang kanilang huling laban kahapon sa SM Mall of Asia Arena.
Bago ang 13th birthday ni Abundo, nakalaban niya ang representative ng Brunei na si Azlee Kairi Bin Wan Zuraimi at lamang ito sa score na 7-0 sa 14-under male kumite 40-kilogram category.
Habang si Kathleya Bustamante naman ay nakalaban ang Australian na si Ana Jovic at nanalo sa score na 6-2 in favor kay Bustamante sa 14-under female division.
ADVERTISEMENT
Si Abundo ay Grade 7 student mula Las Piñas, habang si Bustamante naman ay Grade 7 student din mula sa Notre Dame University sa General Santos City.
Hindi pa tapos si Kathleya Bustamante at lalaban naman ito sa ika-24 ng Mayo para sa Palarong Pambansa. (Austin Gonzaga/News Light)

