Naibalik na sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang 60 bilyong pisong excess fund mula sa National Treasury.
Kasunod ito ng desisyon ng Korte Suprema na ituring na unconstitutional ang paglilipat ng pondo sa National Treasury.
Nagawa ang pagbabalik ng pondo sa PhilHealth matapos iutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Setyembre noong nakaraang taon.
Tiniyak naman ng PhilHealth na ilalaan ang pondo upang mapabuti ang benepisyo ng mga miyembro, mapalakas ang sistema upang mapabilis ang kanilang mga proseso, at madala sa Pilipino ang mabilis at tapat na serbisyo.

