Aprubado na ng Senado ang Freedom of Information (FOI) Bill, ngunit nananawagan si CIBAC Representative Brother Eddie Villanueva ng agarang aksyon upang maaprubahan at maging ganap na batas ang panukalang ito.
Ang FOI Bill ay matagal nang isinusulong mula pa noong 12th Congress. Ito rin ang kauna-unahang panukalang batas na inihain ng CIBAC sa 20th Congress.
Layunin umano ng panukalang batas na ito na palakasin ang karapatan ng publiko na magkaroon ng access sa mahahalagang impormasyon sa pamahalaan tulad ng implementasyon ng mga proyekto, paggamit ng pondo ng gobyerno, at iba pa.
Ayon sa mambabatas, mas mapapalakas nito ang transparency at accountability pati na rin ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan. (Austin Gonzaga/News Light)
ADVERTISEMENT

