News LightLatest News

52% ng mga pamilyang Pinoy, itinuturing ang sarili na mahirap — SWS

Katumbas ito ng tinatayang 14.5 milyong self-rated poor families sa bansa.

Newslight · · 1 min read

Tumaas sa 52% ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nagsasabing sila ay mahirap, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Marso.

Katumbas ito ng tinatayang 14.5 milyong self-rated poor families sa bansa.

Mas mataas ito ng isang puntos kumpara sa naitalang 51% self-rated poverty noong Nobyembre 2025.

Samantala, 35% naman ng mga respondent ang nagsabing hindi sila mahirap, habang 13% ang nagsabing nasa borderline o gitna ang kanilang kalagayan. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?