Pinuri at binati ng Senado ang nation’s girl group na BINI bilang kauna-unahang Filipino act na nakapagtanghal sa prestihiyosong Coachella Valley Music and Arts Festival sa California.
Sa ilalim ng Senate Resolution No. 3-70, binigyang-diin ni Joel Villanueva na hindi lang ito tagumpay ng isang grupo kundi ng buong OPM at ng sambayanang Pilipino.
Nagmarka ang BINI sa global stage bilang pangatlo sa top Coachella artists sa earned media value na umabot sa mahigit US$5 milyon sunod kina Justin Bieber at Sabrina Carpenter patunay na kayang sumabay ng Pilipino sa international music scene.
Sila rin ang pinaka-pinanood na female act sa Instagram ng Coachella at pangalawa sa kabuuang online engagement.

