Binigyang-diin ng Department of Energy (DOE) na kinakailangang masusing pag-aralan ang anumang panukalang may kaugnayan sa value-added tax (VAT) sa kuryente.
Ayon sa ahensya, nasa ilalim ng “pass-through tax structure” ang kasalukuyang VAT system sa kuryente, kung saan nag-o-offset ang mga kumpanya sa power supply chain ng VAT na kanilang binabayaran at sinisingil.
Babala ng DOE, ang pag-alis o pag-aayos ng VAT sa kuryente ay dapat may kasamang masusing evaluation para matiyak kung ito ay talagang magreresulta sa direktang pagbaba ng singil sa mga konsumer.
Matatandaan na ipinahayag ng ahensya na sinusuportahan nila ang panukalang pagtanggal ng 12% VAT sa electricity bills pero giit nila na dapat ito’y pag-aralang mabuti bago ipatupad. (Pink Feliciano/News Light)

