Ipinamahagi na sa mga miyembro ng Kamara ang Committee Report No. 261 na naglalaman ng panukalang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa ulat ng House Committee on Justice, inirerekomenda nito ang pag-adopt ng House Resolution No. 989, kabilang ang mga natuklasan at konklusyon kaugnay ng isinagawang pagdinig.
Mahigit 50 mambabatas ang nakalagda bilang mga sponsor at sumusuporta sa nasabing ulat.
Magiging basehan ang report sa mga susunod na hakbang ng Kamara sa pagtalakay ng impeachment case laban sa pangalawang pangulo. (Pink Feliciano/News Light)

