News LightLatest News

BSP chief, naitala bilang highest-paid government official sa Pilipinas

Batay sa 2025 report ng Commission on Audit, pangatlong pagloob na ito sa sweldo ni Remolona mula sa P47.97 milyon noong 2024 at ₱35.46 milyon noong taong 2023.

Newslight · · 1 min read

Nanguna muli ang mga executives ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa taunang listahan ng highest-paid government officials—na pinangunahan ni BSP Governor Eli Remolona Jr. sa net pay na P52.756 milyon.

Batay sa 2025 report ng Commission on Audit, pangatlong pagloob na ito sa sweldo ni Remolona mula sa P47.97 milyon noong 2024 at ₱35.46 milyon noong taong 2023.

Ang full year pay na ito ni Remolona ay binubuo ng P12 milyon sa basic pay pa lamang, P18.2 milyon sa allowances at P21.67 milyon para sa kanyang bonus, incentives at benepisyo.

Sinundan siya sa ranking ni BSP Deputy Governor Elmore Capule na may P36.015 milyon bilang net pay at ng 13 iba pang opisyal ng ahensya. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?