Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang Freedom of Information (FOI) Bill.
Ayon kay Senator Joel Villanueva, isa itong “landmark measure” na magpapalakas ng pananagutan at magpapanumbalik ng tiwala ng publiko sa pamahalaan.
Bilang pangunahing may-akda, binigyang-diin ni Villanueva ang dekada niyang laban para maisabatas ang karapatan ng mamamayan sa impormasyon.
Layon ng FOI Bill na bigyan ng access ang mga Pilipino sa mga dokumento at impormasyon ng gobyerno na mahalaga laban sa misinformation at para mapanatili ang transparency sa pamahalaan.
Umaasa naman si Villanueva na malapit nang maisabatas ito.

