Kaakibat ang layunin na maging cervical cancer-free ang Pilipinas, ilang lugar sa bansa ang may handog na libreng screening ngayong Cervical Cancer Awareness Month.
Sa lungsod ng Taguig, magkakaroon ng libreng screening sa Biyernes, May 8, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa New Taguig City Hall, Cayetano Boulevard.
Sa kaparehong araw at oras, magsasagawa rin ng libreng cervical cancer screening sa University of the Philippines Diliman Gender Office sa Benton Hall ng unibersidad.
Sa mismong araw naman ng National Cervical Cancer Screening Day sa May 22, magkakaroon rin ng libreng screening sa Ospital ng Maynila sa pangunguna ng Department of Obstetrics and Gynecology at Philippine Obstetrical and Gynecological Society.
ADVERTISEMENT
Kaya para sa mga kababaihang kwalipikado para sa screening, huwag nang palampasin ang pagkakataong ito at ugaliing bantayan ang ating kalusugan.

