RegionalLatest News

8 LGUs sa Albay, isinailalim sa state of calamity dahil sa aktibidad ng Bulkang Mayon

Kabilang sa mga apektado ang mga lungsod ng Legazpi, Ligao, at Tabaco, gayundin ang mga bayan ng Camalig, Malilipot, Sto. Domingo, Daraga, at Guinobatan.

Newslight · · 1 min read

Isinailalim na sa state of calamity ang 8 local government units sa lalawigan ng Albay dahil sa patuloy na pag-alburuto ng Bulkang Mayon.

Kabilang sa mga apektado ang mga lungsod ng Legazpi, Ligao, at Tabaco, gayundin ang mga bayan ng Camalig, Malilipot, Sto. Domingo, Daraga, at Guinobatan.

Batay sa resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan, nagdulot ng matinding epekto ang lava flow collapse-fed pyroclastic density current noong May 2 at May 5 na nagresulta sa makapal na ashfall sa humigit-kumulang 80 barangay sa probinsya.

Sa ilalim ng state of calamity, maaari nang gamitin ng mga LGU ang kanilang calamity funds para sa relief operations, evacuation, at rehabilitasyon ng mga apektadong residente.

ADVERTISEMENT

Patuloy namang pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad dahil nasa Alert Level 3 pa rin ang bulkan. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?