News LightLatest News

38% ng Pinoy, umaasang gaganda ang buhay sa loob ng isang taon ayon sa SWS

Tinawag na “optimists” ang mga umaasa ng pag-unlad sa buhay habang 32 percent naman ang nagsasabing mananatiling pareho ang kalagayan at 16 percent naman ang naniniwalang lalala pa ito.

Giselle Crazo · · 1 min read

Mga kaakibat, ramdam na ramdam ba ang krisis ngayon sa buhay? Pero patuloy pa ring umaasang magbabago pa ito?

Lumabas kasi na 38 percent o tatlo sa bawat sampung Pilipino ang umaasang gaganda ang kanilang buhay sa susunod na labindalawang buwan ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Gayunpaman, mas mababa ito kumpara sa naitala noong November 20-25.

Tinawag na “optimists” ang mga umaasa ng pag-unlad sa buhay habang 32 percent naman ang nagsasabing mananatiling pareho ang kalagayan at 16 percent naman ang naniniwalang lalala pa ito.

Ayon sa SWS, bumaba ang optimism o paniniwalang aayos ang buhay sa halos lahat ng rehiyon maliban sa Visayas na nanatiling matatag.

ADVERTISEMENT

Isinagawa ang survey noong March 24 hanggang 31 sa 1,500 na adult sa buong bansa.

Sa nakaraang ulat naman ng SWS, matatandaang 50 percent o lima sa bawat sampung Pilipino ang nagsabing lumala ang kanilang buhay sa nakaraang isang taon.

What do you feel about this article?