Good NewsFeatured

Team Pilipinas, nakamit ang bronze medal sa Asian Pastry Cup 2026

Gumawa ng kasaysayan ang Team Pilipinas sa katatapos lang na Asian Pastry Cup 2026 matapos makamit ang ikatlong pwesto sa kompetisyon.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Gumawa ng kasaysayan ang Team Pilipinas sa katatapos lang na Asian Pastry Cup 2026 matapos makamit ang ikatlong pwesto sa kompetisyon.

Tinapos ng pastry team ng bansa ang dalawang dekadang podium-drought ng Pilipinas sa Asian Pastry Cup.

Hinarap nina Chef Vergel Iral, Chef Janelle Toh, at Chef Gian Aguirre ang pitong team mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.

Sa hamon na ipakita ang endangered sea life sa pastry showpiece, nagwagi ang Team Pilipinas ng bronze para sa likha nilang “The Reef” na tampok ang sardine run sa Moalboal, whale shark waters ng Southern Leyte at Donsol, at ang isang diver sa coral reefs ng bansa.

ADVERTISEMENT

Dahil sa pagkapanalong ito, lalahok na sila sa Coupe du Monde de la Patisserie sa France sa January 2027.

Pagbati para sa Team Pilipinas!

What do you feel about this article?