Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang agarang pagpapadala ng tulong sa mga apektadong komunidad sa Albay na nakararanas ng matinding ashfall mula sa Bulkang Mayon.
Ayon sa Malacañang, pinabibilis na ang koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno para sa relief at emergency response operations.
Tinitiyak din umano na mayroong sufficient na supply ng pagkain, mask, at medical assistance para sa mga apektadong residente.
Samantala, inatasan din nito ang agarang paglilinis ng mga kalsada upang masiguro ang ligtas na galaw ng mga tao at rescue teams. (Pink Feliciano/News Light)

