West Philippine SeaLatest News

Miyembro ng Atin Ito Coalition, nag-jet ski sa West Philippine Sea

Nag-jet-ski si Akbayan Congresswoman Dadah Kiram Ismula sa karagatan malapit sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Ace Cruz · · 1 min read

Nag-jet-ski si Akbayan Congresswoman Dadah Kiram Ismula sa karagatan malapit sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Bahagi ito ng ilang araw na pagbisita ng Atin Ito Coalition kung saan itinaas ang watawat sa bahagi ng Pag-asa Cay 2 na simbolo ng paggiit sa soberanya ng Pilipinas.

Bago nito, kaliwa’t kanan ang pag-shadow ng Chinese Coast Guard sa civilian boat na gamit ng grupo.

Gayundin ang naunsyaming pagpapalipad nila ng drone dahil kailangan pa anilang mag-rehistro sa Chinese authorities na ayon kay Atin Ito civilian captain Rafaela David ay nakababahala.

What do you feel about this article?