Nakatakdang isumite sa plenaryo ng Kamara ang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte ngayong araw.
Kasunod ito ng unanimous na desisyon ng House Committee on Justice na nakitaan ng probable cause para i-impeach ang pangalawang pangulo batay sa dalawang reklamong inihain laban sa kanya.
Magugunitang mas naging matibay ang impeachment complaint ni Duterte matapos talakayin ang mga dokumento gaya ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Duterte, at unang napakinggan ang testimonya ng umano’y bagman niyang si Ramil Madriaga.
Noong nakaraang linggo, iginiit ni Senate President Vicente Sotto III na posible nang mag-convene ang impeachment court sa May 13 kung mai-impeach ang Bise sa Kamara sa May 11.

