Bilang pakikiisa sa World Press Freedom Day nitong Linggo, nagkasa ng “Walk for Freedom and Justice” ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa UP Diliman.
Kabilang sa kanilang ipinapanawagan ang pagpapalaya sa community journalist na si Frenchie Mae Cumpio na hinatulang guilty ng Tacloban Regional Trial Court sa kasong terrorism financing noong January 22.
Panawagan din ng grupo ang hustisya para sa journalist na si RJ Ledesma na kabilang sa Toboso 19 na pinatay ng militar sa engkwentro nito sa New People’s Army (NPA) sa Negros Occidental noong April 19.
Binigyang diin ng NUJP ang mga pagpatay sa mga journalist at pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso para takutin at patahimikin ang mga mamamahayag.
ADVERTISEMENT
Ayon sa grupo, sumampa na sa 242 ang mga paglabag sa press freedom sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
10 sa mga ito ang pagpatay habang karamihan ay mga uri ng intimidation gaya ng harassment, red-tagging, libel o cyber libel, closure order, at iba pa.

