Good NewsLatest News

Epic animated musical film “David,” mapapanood na sa Pilipinas simula May 6

Mapapanood na sa big screen ng Pilipinas ang isang epic biblical musical adventure, ang kuwento ng pananampalataya sa isang animated film na pinamagatang "David".

Newslight · · 1 min read

Mapapanood na sa big screen ng Pilipinas ang isang epic biblical musical adventure, ang kuwento ng pananampalataya sa isang animated film na pinamagatang “David”.

Ang pelikula ay hango sa buhay ni David mula sa Book of Samuel ito’y nagsisilbing follow-up sa five part television miniseries na “Young David” at may layong ipakita ang paglalakbay ng isang batang pastol na nakatakda para maging hari ng Israel.

Tampok sa pelikula ang mga kilalang worship artist katulad nina katulad nina Phil Wickham bilang boses ni David at Lauren Daigle bilang Rebecca.

Ang David animated film ay ni-release noong nakaraang taon sa United States pero simula May 6 official na itong mapapanood sa mga piling sinehan dito sa Pilipinas partikular na sa SM Cinemas.

ADVERTISEMENT

Kaya naman abangan, tangkilikin at huwag palampasin ang pelikulang siguradong papatok hindi lang sa mga bata pati na rin sa mga young at hearts. (Benedict Quejado/News Light)

What do you feel about this article?