Nag-alburuto ang Bulkang Mayon noong Sabado, May 2 ng hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagkaroon ng magkakasunod na volcanic activity at nagbuga ng makapal na abo at nakaranas ng matinding ashfall sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.
Nakapagtala rin ang ahensya ng 21 volcanic earthquakes at 1 ash emission event.
Nagpaalala naman ang PHIVOLCS na posibleng magkaroon pa rin ng biglaang pagputok.
Samantala, apektado naman ngayon ang mga residente, mga alagang hayop at maging mga pananim ng mga magsasaka.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Camalig Mayor Caloy Baldo, umabot na sa limang kalabaw at dalawang baka ang namatay dahil sa abo.
Dagdag pa nito, na apektado na ang kabuhayan ng mga magsasaka dulot ng pag-alburuto ng Bulkang Mayon.
Nagpaalala naman ang opisyal sa mga residente na mag-ingat sa posibleng epekto ng ashfall sa kalusugan at namahagi na rin ang national government at lokalidad ng agarang tulong sa mga apektadong residente.

