Isasagawa ng International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III ang unang status conference kaugnay ng mga kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na May 27.
Ayon sa korte, inatasan na umano ang lahat ng panig na magsumite ng kanilang mga tugon hinggil sa mahahalagang usapin, kabilang ang target na petsa ng pagsisimula ng paglilitis, presentasyon ng ebidensya, at iba pa.
Layunin ng naturang status conference na plantsahin na ang mga susunod na hakbang sa pag-usad ng kaso. (Pink Feliciano/News Light)

