Health & ScienceLatest News

Hangin sa Metro Manila, nananatiling may toxic lead

Ayon sa mga mananaliksik mula sa international team, kasama ang Ateneo de Manila University at Manila Observatory, ang pinagmumulan ng lead pollution ay hindi na lamang mula sa luma o…

Newslight · · 1 min read

Nananatili pa rin ang presensya ng nakalalasong lead na hangin sa Metro Manila, batay sa isang bagong pag-aaral na sumusuri sa air quality data sa lugar.

Ayon sa mga mananaliksik mula sa international team, kasama ang Ateneo de Manila University at Manila Observatory, ang pinagmumulan ng lead pollution ay hindi na lamang mula sa luma o phased-out na fuel, kundi kabilang na rin ang industrial emissions, pagsunog ng fossil fuels, at mga naiwang pollution sa kapaligiran.

Batay sa pag-aaral, patuloy na may banta ang lead sa kalusugan dahil ito ay maaaring malanghap at pumasok sa dugo ng tao.

Nananawagan ang mga eksperto ng mas mahigpit na air quality monitoring at pollution control para maprotektahan ang publiko mula sa masamang epekto ng lead exposure. (Pink Feliciano/News Light)

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?