Inaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating mamamahayag at commentator na si Jay Sonza dahil sa kasong unlawful publication na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Nagpapakalat kasi di umano si Sonza ng maling impormasyon tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Ayon sa kanyang abogado na si Mark Tolentino, lumuwas ng Davao si Sonza dahil inaasahan nila ang posibleng paglabas ng warrant of arrest para sa kasong cyber libel at hindi anila nila inaasahan na may hiwalay na warrant para sa unlawful publication.
Kinuwestiyon din ng abogado kung bakit non-bailable ang nakasaad sa naturang warrant, at sinabing posibleng may pagkakamali ang korte sa nasabing detalye. (Pink Feliciano/News Light)

