Handog ng Traje de Intramuros ang bagong inisyatibo kung saan maaari kang manghiram at magbihis ng tradisyunal na kasuotang Filipino habang binibisita ang lugar.
Nakuha ng Traje de Intramuros ang inspirasyon sa inisyatibo ng Japan at Korea na magpasuot ng kimono at hanbok habang iniikot at tinutuklas ang kanilang kultura at tourist spots.
Maliban sa pagsuot ng mga attire gaya ng barong Tagalog at traje de mestiza, may package rin na may kasama ng hair and make up styling.
Ang rental ay magtatagal ng tatlo hanggang apat na oras at maaaring isuot habang umiikot sa Intramuros, Fort Santiago, at iba pang pasyalan sa loob.

