News LightLatest News

Presyo ng bigas, posibleng umakyat sa P62/kilo sa Setyembre — DA

Sa pagdinig ng Senado kahapon, iginiit ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na tumaas ang presyo ng fertilizer mula ₱1,650 at naging ₱3,000.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Posibleng umabot sa ₱62 kada kilo ang presyo ng bigas sa Setyembre, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa pagdinig ng Senado kahapon, iginiit ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na tumaas ang presyo ng fertilizer mula ₱1,650 at naging ₱3,000.

Kung hindi umano gagamit ng alternatibong fertilizer ang mga magsasaka, tataas ang presyo ng bigas.

Upang maibsan ang epekto nito, pinag-aaralan ng ahensya ang rice blend strategy o ang paghahalo ng imported at locally produced na bigas.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, ibinahagi ni Laurel na nasa ₱50 na ang kada kilo ng bigas mula sa ₱42 na presyo nito bago ang giyera sa Middle East.

What do you feel about this article?