Palalawigin pa ng pamahalaan ang maternity benefits para sa mga buntis na ina sa buong bansa.
Layon nito na mabawasan ang pasanin ng gastos sa panganganak at para walang ina ang maiiwan na nanganganib dahil lang sa kakulangan sa pinansyal na suporta.
Sa ilalim ng bagong polisiya ng PhilHealth, tataas sa halos ₱30,000 mula sa humigit-kumulang ₱10,000 lamang ang normal delivery coverage, habang aabot naman sa humigit-kumulang ₱62,000 mula sa dating ₱37,000 ang cesarean delivery.
Mas pinalaki rin ang pre-natal care kung saan magiging walong check-up na mula sa dating apat lamang ang sasagutin ng PhilHealth, kabilang na ang bakuna at laboratory tests.
ADVERTISEMENT
Magkakaroon din ng tatlong post-natal follow-up visits para matiyak ang kalusugan ng ina pagkatapos manganak. Magsisimula ngayong araw, April 30, ang mas pinalawak na maternal coverage.

