Taas ang kamay sa mga ‘di nagsasawa sa manok!
Dalawang chicken dishes kasi mula sa bansa ang napabilang sa World’s Best 50 List ng TasteAtlas.
Sa inilabas na listahan ng international online food guide, rank 4 ang inasal na manok na may 4.4.stars na rating, samantalang rank 40 naman ang adobong manok na may 4.1. stars.
Inilarawan ng Taste Atlas ang inasal bilang unique gilled chicken dish mula Western Visayas na may appetizing golden color at unique peppery flavor.
Bukod naman sa mga sangkap at paraan ng pagluto, syempre binanggit rin na ang paborito ng marami na adobo ay madalas na inihahain na may kasamang kanin.
ADVERTISEMENT
Nanguna sa listahan ang Chikin o ang Korean Fried Chicken at sinundan ng Pollo A La Brasa mula sa Peru.
Kaya mga kaakibat, ito na ang sign para mag-chicken inasal o chicken adobo today with your family, friends, and loved ones!

