Kinumpirma umano ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport (UPLIFT) Committee na tatagal pa ng 54 araw mula sa dating 52 ang imbak na langis ng bansa, ayon sa Palasyo.
Napag-usapan na rin umano ang malawakang rollback sa presyo ng diesel, pati ang sitwasyon ng pagkain sa pagpupulong ng UPLIFT Committee.
Samantala, batay naman umano kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, aabot pa hanggang katapusan ng taon ang supply ng manok, baboy, at bigas.
Matatandaang nag-anunsyo ng state of national energy emergency si Pangulong Bongbong Marcos noong March 24 dahil sa Middle East conflict.
ADVERTISEMENT
Resulta nito ang pag-implementa ng fuel and energy allocation plan at iba pang anyo ng pagtitipid dahil sa delikadong supply ng enerhiya. (Denniel Salayo/News Light)

