News LightLatest News

9.2 million Filipino households, nasa mahirap na pamumuhay ayon sa OCTA survey

Nasa 35 percent pa lamang ito ng lahat ng households sa bansa at bahagya pang bumaba mula sa 37 percent o 9.8 milyong pamilya sa naunang survey noong Disyembre.

Newslight · · Updated · 1 min read

Nasa 9.2 milyong Filipino households ang nagsabing sila’y mahirap, batay sa pinakahuling pag-aaral ng OCTA Research noong Marso.

Nasa 35 percent pa lamang ito ng lahat ng households sa bansa at bahagya pang bumaba mula sa 37 percent o 9.8 milyong pamilya sa naunang survey noong Disyembre.

Gayunman, bagsak pa rin ito dahil sa 2 percent margin of error ng survey.

Bumaba umano sa 12 percentage points ang self-rated poverty o umaming mahirap sila sa NCR, habang 11 percent naman sa Mindanao.

Tumaas naman ng 3 percent sa Luzon at 4 percent sa Visayas.

ADVERTISEMENT

Makikita man ito bilang progreso, matindi ang itinaas ng self-rated poverty percentage sa mga rehiyon ng Negros Island Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Visayas, Bicol Region, at Caraga.

Nakitaan naman ng pagbaba ang mga lugar ng Northern Mindanao, Eastern Visayas, MIMAROPA, at Davao Region.

Samantala, binanggit din sa survey na 4.5 milyong pamilya ang nagsabing sila’y nakaranas ng involuntary hunger nang kahit isang beses sa unang tatlong buwan ng 2026. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?