PoliticsLatest News

VP Sara Duterte, kaniyang asawa, at business enterprise, sasailalim sa tax audit ng BIR

Ayon sa BIR, susundin nito ang isang “rules-based approach” sa pagtukoy ng katotohanan at titiyakin na maipagkakaloob ang mga karapatan ng mga sasailalim sa audit.

Newslight · · 1 min read

Inatasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pag-iisyu ng mga Letters of Authority (LOA) para simulan ang tax audits kay Vice President Sara Duterte, kaniyang asawang si Manases Carpio, at siyam na negosyong may kaugnayan sa kanila.

Ayon sa BIR, susundin nito ang isang “rules-based approach” sa pagtukoy ng katotohanan at titiyakin na maipagkakaloob ang mga karapatan ng mga sasailalim sa audit.

Kabilang sa mga isinaalang-alang ng ahensya ang mga testimonya ng Office of the Ombudsman kaugnay sa Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng Bise Presidente.

Ginamit din na basehan ang mga ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na inilahad sa mga pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay sa mga impeachment complaints laban kay Duterte. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?