Nagbabala ang Senado sa posibleng “bill shock” sa kuryente dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng coal at epekto ng mahinang palitan ng piso kontra dolyar.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, tumaas na ang generation charge o ang pinakamalaking bahagi ng bayarin sa kuryente habang halos walang galaw naman ang ibang charges.
Dagdag pa ng senador, hindi pa kasama rito ang posibleng epekto ng global oil crisis kaya inaasahan pang mas lalaki ang bayarin ng mga konsyumer.
Ipinaliwanag din ni Gatchalian na umaasa ang Pilipinas sa inaangkat na coal at gas kaya apektado ng foreign exchange o palitan ng piso.
ADVERTISEMENT
Gayunpaman, hinimok ng senador ang Energy Regulatory Commission (ERC) na huwag ipatupad nang biglaan ang taas-singil at sa halip ay i-stagger ito o paunti-unti para maiwasan ang biglaang pasanin ng publiko.

