Wala umanong dapat sisihin ang gobyerno kundi ang sarili nito bunsod ng pagpapakawala sa dating mambabatas at puganteng si Zaldy Co, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson.
Reaksyon ito ni Lacson matapos makalaya na naman si Co kahit na hinarang na ito ng Czech authorities dahil sa kawalan ng Interpol red notice para sa kanyang fugitive status at kasong malversation sa maanomalyang mga proyekto.
Ani Lacson, sinayang lamang ang oportunidad at nakakahiyang umano ang nangyari sa pamahalaan.
Hamon niya sa mga awtoridad na gumawa ng paraan upang mapaharap si Co sa Blue Ribbon hearing upang tumestigo ito laban sa iba pang dawit sa korapsyon.
ADVERTISEMENT
Gusto rin niyang magkaharap-harap sina Co, dating House Speaker Romualdez, whistleblower na si Orly Guteza, at ngayo’y state witness na si dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo—na umano’y may pakana ng buong katiwalian. (Denniel Salayo/News Light)

