Sasailalim sa imbestigasyon ng Senate Committee on Energy ang Meralco matapos ang mga reklamong may kaugnayan sa lifeline rate at iba pang electric subsidy.
Layunin ng imbestigasyon na matiyak na ang subsidy ay hindi naipapasa sa mga hindi benepisyaryong consumer.
Sa ilalim ng Senate Resolution No. 375 na inihain ni Senator Bam Aquino, binigyang-diin na sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), ang lifeline rate ay isang diskwento sa kuryente para sa mga marginalized consumer na hirap sa pagbabayad ng bill.
Kaugnay nito, pinagtibay naman ng Republic Act No. 11552 na ang mga benepisyaryo ay ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). (Pink Feliciano/News Light)

