News LightLatest News

Halaga ng piso vs. dolyar, sumayad na sa P61

Habang nakakatulong umano ito sa mga overseas Filipino workers (OFWs) para sa kanilang pagpapadala pabalik sa mga pamilya sa Pilipinas, katumbas naman ito ng pag-igting sa presyo ng imports gaya…

Newslight · · 1 min read

Panibagong historic-low na naman ang naitala sa halaga ng piso kontra US dollar, na sumadsad na sa 61.07 kahapon.

Nagsimula pa sa P60.80 ang palitan, na mas mahina pa sa naunang historic-low na P60.74 noong March 31; patuloy pa itong bumaba mula noon bunsod na rin ng pagsisimula ng sigalot sa Middle East.

Habang nakakatulong umano ito sa mga overseas Filipino workers (OFWs) para sa kanilang pagpapadala pabalik sa mga pamilya sa Pilipinas, katumbas naman ito ng pag-igting sa presyo ng imports gaya ng langis at pagkain.

Lumalala rin ang utang ng bansa dahil sa mahinang piso, na karamihan ay mula sa mga foreign creditors at ang karamihan ay dolyar ang halaga.

ADVERTISEMENT

Magugunita namang 54.97 ang palitan ng piso sa dolyar noong nagsimula ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?