Good NewsLatest News

Davao City, kinilalang Best PH Destination ng World Travel Index 2026

Base sa kanilang April 2026 report, nakakuha ng 75.66 na score ang Davao City at itinanghal na rank 320 sa buong mundo.

Carlene Latuna · · 1 min read

Nanguna ang Davao City bilang best travel destination sa bansa ng World Travel Index 2026.

Base sa kanilang April 2026 report, nakakuha ng 75.66 na score ang Davao City at itinanghal na rank 320 sa buong mundo.

Sinundan ito ng Puerto Princesa, Makati, Baguio City, at Dumaguete.

Ipinagdiwang ito ng Davao City Tourism Operations Office na anila’y nagbigay ng panibagong commitment sa kanila upang maghatid ng world-class experience para sa mga turista.

ADVERTISEMENT

Kaya para sa mga naghahanap ng bagong travel destination o vacation spot, umikot na sa Pilipinas at mahalin ang sariling atin!

What do you feel about this article?