WeatherLatest News

13 na lugar sa bansa, isinailalim sa “danger” heat index alert

Pinag-iingat ang publiko dahil sa ganitong kalalang init, posible nang makaranas ng heat cramps at heat exhaustion ang isang tao kapag nabilad.

Newslight · · 1 min read

Looking up at sun burst behind tree leaf with cloud and blue sky in nice weather day.

Umabot sa 13 lugar sa bansa ang isinailalim sa “danger” heat index alert ng PAGASA.

Batay sa pinakahuling heat index bulletin noong April 27, ang mga lugar na ito ay maaaring makaranas ng matinding init, sa temperaturang naglalaro na sa 42 hanggang 51 degrees Celsius.

Sumampa sa 42 degrees Celsius ang mga lugar ng Pasay City, Aparri, Cagayan, Iba, Zambales, Cubi Point sa Subic Bay sa Olongapo City, Los Baños, Laguna, San Jose, Occidental Mindoro, Cuyo, Palawan, Masbate City, Masbate, at Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Pumalo naman sa 43 degrees Celsius ang temperatura sa mga lalawigan ng Dagupan City, Pangasinan, Puerto Princesa City, Palawan, pati sa Butuan City, Agusan del Norte.

ADVERTISEMENT

Pinag-iingat ang publiko dahil sa ganitong kalalang init, posible nang makaranas ng heat cramps at heat exhaustion ang isang tao kapag nabilad. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?