News LightLatest News

Zaldy Co, wala na sa kustodiya ng Czech Republic

Wala na sa kustodiya ng Czech Republic si dating Ako Bicol Representative Zaldy Co. Iyan ang kinumpirma ng Department of Justice nitong Lunes ng gabi. Taliwas ito sa naunang pahayag…

Jomar Villanueva · · 1 min read

Wala na sa kustodiya ng Czech Republic si dating Ako Bicol Representative Zaldy Co.

Iyan ang kinumpirma ng Department of Justice nitong Lunes ng gabi.

Taliwas ito sa naunang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nahuli na ang dating mambabatas.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Acting Justice Secretary Frederick Vida, mismong ang Czech authorities ang nagsabing hindi nito hawak si Co.

Hindi naman masabi ng kalihim kung nasaan ang eksaktong lokasyon ni Co ngayon.

Pero kumpirmadong nasa Schengen Area ang dating mambabatas—na isang rehiyon sa Europa na binubuo ng 29 na bansa kung saan malayang nakakatawid sa iba’t ibang borders ang mga tao.

ADVERTISEMENT

Tinutugis pa rin ng pamahalaan si Zaldy Co na tinuturing na “big fish” sa katiwalian sa flood control projects at nagsilbing Appropriations Committee head sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. mula 2022 hanggang January 2025.

Samantala, dinepensahan ng Malacañang ang naunang pahayag ng Pangulo na nahuli na si Co.

Ayon sa kanila, hindi ibig sabihin ng Pangulo ang aktwal na pag-aresto kay Co nang ianunsyo nito na nahuli na ang dating mambabatas.

ADVERTISEMENT

Hindi rin umano premature ang pahayag ni Marcos dahil patuloy ang pagtugis kay Co.

What do you feel about this article?