Good news! Magbibigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit Authority at Metro Rail Transit Corporation para sa mga manggagawang pasahero ng LRT Line 2 at MRT Line 3 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Labor Day sa darating na May 1.
Ipatutupad ang libreng sakay mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Samantala, magpakita lamang ng company ID para makuha ang libreng sakay. (Pink Feliciano/News Light)

