News LightLatest News

165,000 trabaho, handog ng DOLE sa job fairs sa bansa ngayong Labor Day

Ayon kay Labor Assistant Secretary Lennard Constantine Serrano, may nasa 90 job fair sites sa buong bansa na sasalihan ng nasa mahigit 1,700 employers.

Giselle Crazo · · 1 min read

Mahigit 165,000 na mga trabaho ang inaasahang maibibigay sa mga job seeker sa Labor Day activities ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Assistant Secretary Lennard Constantine Serrano, may nasa 90 job fair sites sa buong bansa na sasalihan ng nasa mahigit 1,700 employers.

Kasama rin sa mga venue ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng National Bureau of Investigation, Philippine National Police, PhilHealth, at Pag-IBIG Fund para sa serbisyong kaugnay ng aplikasyon.

Magkakaroon din ng career coaching at counseling para tulungan ang mga aplikante na pumili ng angkop na trabaho batay sa kanilang kakayahan at qualification.

ADVERTISEMENT

Makikita ang kumpletong listahan ng job fair sites sa website ng DOLE at maaaring mag-preregister online ang mga aplikante.

What do you feel about this article?