News LightLatest News

Pinoy singer Matty Juniosa, pasok sa finals ng Britain’s Got Talent matapos makuha ang ikalawang Golden Buzzer

Napahanga ni Matty ang audience at judges sa kanyang semi-finals performance ng kantang “Dream On” ng Aerosmith. Kaya naman matapos umani ng papuri sa judges, ibinigay na sa kanya ng…

Carlene Latuna · · 1 min read

Pasok na sa grand finals ng Britain’s Got Talent ang Pinoy singer na si Matty Juniosa matapos matanggap ang ikalawang golden buzzer sa kompetisyon.

Napahanga ni Matty ang audience at judges sa kanyang semi-finals performance ng kantang “Dream On” ng Aerosmith.

Kaya naman matapos umani ng papuri sa judges, ibinigay na sa kanya ng judge na si Amanda Holden ang golden buzzer upang diretsong makausad sa grand finals.

Sa panayam matapos ang performance, nagpahayag ng pasasalamat si Matty para kay Amanda at sa kanyang golden buzzer.

ADVERTISEMENT

Magugunitang nakuha ni Matty ang kanyang unang golden buzzer mula kay Simon Cowell noong audition.

Dahil dito, ating abangan at suportahan si Matty Juniosa para sa kanyang laban sa grand finals ng Britain’s Got Talent!

What do you feel about this article?