Binigyang-linaw ng Meralco na ang mga “other charges” sa electric bill ng mga konsyumer ay mga singil na mandatory na ipinatutupad ng pamahalaan at hindi ito direktang kita ng kumpanya.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, kabilang sa mga singil ang mga cross subsidies at buwis na direktang inililipat sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno.
Binigyang-diin din niya na hindi lamang ang Meralco ang naniningil ng mga ito, kundi maging ang lahat ng electric utilities sa bansa ay sumusunod sa parehong patakaran.
Kabilang sa mga nasabing singil ang lifeline rate discount para sa mga mahihirap na konsyumer, senior citizen discount, feed-in tariff allowance (FIT-All), at green energy auction allowance.
ADVERTISEMENT
Sa kabila nito, nanawagan naman ang isang consumer group sa Energy Regulatory Commission (ERC) na mas paigtingin ang transparency at pag-uulat sa mga pondong nakokolekta mula sa mga singil na ito. (Pink Feliciano/News Light)

